Neo Domingo – Pagbigyan Mo Na Lyrics

Di mo napapansin itong aking pagtingin
Sana’y malaman mong nandito lang ako
Wag kang matatakot na baka saktan kita
Di ko magagawang iwan ang tulad mo
Pagbigyan mo na
O pagbigyan mo na ako

Ako ang hangin na magpapawi sa lungkot ng buhay mo
Ako ang tubig na lulunas sa uhaw na puso mo
Ako ang ilaw na gagabay sa madilim na mundo mo
Ako lang, oh aking sinta, oh aking sinta

Di mo napapansin itong aking paglambing
Lahat ng gusto mo’y ibibigay sa ‘yo
Lahat ng tala ay iaalay sa ‘yo
Bigyan lang ng pag-asa ang puso kong ito
Pagbigyan mo na
O pagbigyan mo na ako

Ako ang hangin na magpapawi sa lungkot ng buhay mo
Ako ang tubig na lulunas sa uhaw na puso mo
Ako ang ilaw na gagabay sa madilim na mundo mo
Ako lang, oh aking sinta, oh aking sinta

Giliw sana’y iyong pagbigyan ang tulad ko
Giliw sana’y iyong pagbigyan ako

Ako ang hangin na magpapawi sa lungkot ng buhay mo
Ako ang tubig na lulunas sa uhaw na puso mo
Ako ang ilaw na gagabay sa madilim na mundo mo
Ako lang, oh aking sinta

Ako ang hangin na magpapawi sa lungkot ng buhay mo
(Oh aking sinta)
Ako ang tubig na lulunas sa uhaw na puso mo
(Oh aking sinta)
Ako ang ilaw na gagabay sa madilim na mundo mo
(Oh aking sinta)

Oh aking sinta
Oh aking sinta
Oh aking sinta

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *