Sino ang dapat kong mahalin
Siya ba na kay tamis maglambing
Lahat ng gusto kong hilingin sa kanya
Ay binibigay sa akin
Bakit pag ako ay yakap niya
Pag-ibig ay di ko madama
Di siya ang hinahanap ng puso ko
Damdamin ko’y paano
Sino ang iibigin ko, ang pipiliin ko
Na kapwa narito sa buhay ko
Yun bang nagmamahal nang labis
O yun ba na iniibig ko
Bakit pag ako ay yakap nya
Pag-ibig ay di ko madama
Di siya ang hinahanap ng puso ko
Damdamin ko’y paano
Sino ang iibigin ko, ang pipiliin ko
Na kapwa narito sa buhay ko
Yun bang nagmamahal nang labis
O yun ba na iniibig ko
Mahal ko ay iba
Ako kaya’y mahal din nya
Ano pa bang dapat gawin
Puso ba o isip ang sundin
Sino ang iibigin ko, ang pipiliin ko
Na kapwa narito sa buhay ko
Yun bang nagmamahal nang labis
O yun ba na iniibig ko