Joey Abando – Phone Pal Lyrics

Minsan ako’y nag-iisa
Wala akong ginagawa
Naisipan kong tumawag sa telepono
Ikaw ang nakausap ko
Tsambang number ang dial ko
Di ko inaasahan na sasagutin mo ako

Pangalan ko’y nalaman mo
Pangalan mo’y nalaman ko
Nagkausap tayo nang husto
Ako’y binola-bola mo
Binola-bola rin kita
Hanggang sa tayo’y magkakilala

At nang minsan, isang araw
Ako’y tumawag na muli
Ngunit hindi ikaw ang nakausap ko
Di ko nakuhang ngumiti
Pagkat ang tawag ko’y sawi
Bakit ako’y nasasaktan ng ganito

Ano ka ba sa buhay ko
Nasasabik ako sa ‘yo
Na makita ang tunay na larawan mo
Kung ito’y pag-ibig na
Ang tangi kong hinihiling
Ay masilayan ka’t makapiling

Damdamin ko’y ibang-iba sa ‘yo, ka-phonepal
Tunay nga kayang ako’y nagmamahal
Bakit di mawalay sa isip ko
Ang tinig ng boses mo
Oh phonepal ko, sino ka sa buhay ko

(Ad Lib)

Ano ka ba sa buhay ko
Nasasabik ako sa ‘yo
Na makita ang tunay na larawan mo
Kung ito’y pag-ibig na
Ang tangi kong hinihiling
Ay masilayan ka’t makapiling

Damdamin ko’y ibang-iba sa ‘yo, ka-phonepal
Tunay nga kayang ako’y nagmamahal
Bakit di mawalay sa isip ko
Ang tinig ng boses mo
Oh phonepal ko, sino ka sa buhay ko

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *