Janine Berdin – Mas Mabuti Pa Lyrics

Minahal kita ng tunay
Ngunit ang sabi mo’y hindi mo nadama
Binigay ko ang lahat lahat
Ngunit ang sabi mo’y hindi mo nakita
Ayoko nang masaktan pang muli
Sa piling mo

Mas mabuti pang umiwas
Mas mabuti pang lumayo na lang
Mas mabuti pang iwanan ka
Dahil ang puso ko’y patuloy mong nasasaktan

Kulang pa ba ang pagmamahal
Ang pagmamahal na ‘di mo nadama
Tiniis ko ang nakaraan
Hanggang kailan kaya ako magdurusa
Ayoko ng masaktan pang muli
Sa piling mo

Mas mabuti pang umiwas
Mas mabuti pang lumayo na lang
Mas mabuti pang iwanan ka
Dahil ang puso ko’y patuloy mong nasasaktan

Ang isip ay naguguluhan
Ngunit ang puso’y ikaw ang laman
Ako’y nahihirapan
Hanggang kailan

Mas mabuti pang umiwas
Mas mabuti pang lumayo na lang
Mas mabuti pang iwanan ka
Dahil ang puso ko’y patuloy mong nasasaktan

Mas mabuti pang umiwas
Mas mabuti pang lumayo na lang
Ngunit di kita maiwan
Kahit ang puso ko’y
Kahit ang puso ko’y patuloy mong nasasaktan

Mas mabuti pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *