Bakit nilihim mo sa akin ang iyong nakaraan
Naniwala naman sa’yo, ako’y nagtiwala
Hindi mo ba nararamdaman ang paghihirap ng puso ko
Noon pa ma’y umiibig na sa’yo
Kung alam ko lang na may iba ka palang minamahal
Di na sana ako naghintay sa’yo ng ganon katagal
Umasa ako, ang buong akala’y akin ang iyong mundo
Buti na lang at aking natuklasan ikaw pala ay isang salawahan
Sana’y hindi nasayang ang lahat ng mga pangarap ko
Kung nalaman ko lang agad ang tunay at totoo
Ngunit kung kapalaran ay sadyang ganyan
Ano’ng aking magagawa kahit na ba langit ay pag-ibig sa’yo
Kung alam ko lang na may iba ka palang minamahal
Di na sana ako naghintay sa’yo ng ganon katagal
Umasa ako, ang buong akala’y akin ang iyong mundo
Buti na lang at aking natuklasan ikaw pala ay isang salawahan
Kung alam ko lang ang takbo ng panahon
Kung alam ko lang pag-ibig sana’y di nagkaganon
Kung alam ko lang na may iba ka palang minamahal
Di na sana ako naghintay sa’yo ng ganon katagal
Umasa ako, ang buong akala’y akin ang iyong mundo
Buti na lang at aking natuklasan ikaw pala ay isang salawahan
Ikaw pala ay isang salawahan