Yeng Constantino – Ako Muna Lyrics

Minsan, parang di pag-ibig ang sagot
Kahit na, sa pag-iisa ay nababagot
Aanhin, ko ang paghahanap ng magmamahal
Kung sa sarili ko ay di pa masaya

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna

Minsan, alam kong lungkot ay kakatok
Ngunit kailangan kong tatagan ang loob
Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal
Kung ang sarili ko’y mapapabayaan

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
(Ako muna)

Paano ko magmamahal
Kung di ko kayang mahalin ako
Ngayon, bukas, mapapagod din lang

Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna, para sa akin
Mabuti pang mag-isa
Nang di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna
Ako muna

yeng constantino synesthesia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *