Top Suzara – Sabihin Mo Na

Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit di kinakausap
Di inaasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap

Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sana’y maniwala ka

Sabihin mo na
Kung ano’ng gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa ‘yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad

Ilang araw mo nang di pinapansin
Ilang araw pa’ng lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas

Lahat naman tayo’y nagkakamali
Sino’ng di nagsasala
Ngunit kung papaano babawi sa pagkakamali
Yan ang mahalaga

Sabihin mo na
Kung ano’ng gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa’yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad

Patawarin mo sana sinta
Di ko sinasadya

Sabihin mo na
Kung ano’ng gusto mo
Kahit ano’y gagawin
Para lamang sa’yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad

Sabihin mo na sinta
Kung papano mo mapapatawad

Top Suzara - Carry On

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)