Tootsie Guevara – Mahal Ka Sa Akin Lyrics

Mahal na mahal
Yan ang damdamin na sa ‘yo’y nararamdaman
Kung ‘di mo alam
Puso’y ‘di mapalagay pag ‘di ka namamasdan, o bakit ganyan
At maging sa ‘king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling, nais makayakap sa t’wina

Nang dahil sa ‘yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan
Sana, pag-ibig na nadarama’y pakaingatan wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan ang puso na sa ‘yo’y nagmahal

Chorus:
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso’y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko’y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Nang dahil sa ‘yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal
Sadya bang ganyan
Sana, pag-ibig na nadarama’y pakaingatan o wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan ang puso na sa ‘yo’y nagmahal

Chorus:
Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso’y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko’y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso’y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko’y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Tunay na tunay mahal ka sa akin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)