Sheryl Cruz – Ako’y Iyong Iyo Lyrics

Kahit sa’n ka man naroroon ngayon
Hinding-hindi kita malilimutan
Mga araw at gabing dumaraan
Laman ka lagi ng aking isipan
Magpakailan pa man

Ang matatamis mong alaala
Ang lagi kong kapiling sa twina
Ang kabaitan mo’y langit sa akin sinta
Ang tinig mo’y parang laging kumakanta
Kay gandang musika

Ako’y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sa iyo kahit tayo’y magkalayo
Ako’y iyong-iyo
Sana’y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako’y hindi magbabago

Kay bilis ng araw
Parang kailan lang
Ikaw ay yakap ko’t hinahagkan
Pag-ibig natin ay parang walang hanggan
Kaligayahan na walang katapusan
Walang katapusan

Ako’y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sa iyo kahit na tayo ay laging magkalayo
Ako’y iyong-iyo
Sana’y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako’y hindi magbabago

Ako’y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sa iyo kahit na tayo ay laging magkalayo
Ako’y iyong-iyo
Sana’y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako’y hindi magbabago

Asahan mong iyong-iyo…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *