Roselle Nava – Huwag Ka Nang Magbabalik Lyrics

No’ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig
Pagka’t tanging sa ‘yo lamang ang aking pag-ibig
Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom

Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik
Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik
Ang ibig madama, ‘di man umiimik

Pakiusap ko sa ‘yo’y huwag ka nang magbabalik
Pagkat itong puso ko ay sa ‘yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin nang nababatid
Sa ‘yo’y mahuhulog lang kaya’t huwag na huwag ka nang magbabalik

Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin
Labis man akong sinaktan, ikaw pa rin ang aking mahal

Pakiusap ko sa ‘yo’y huwag ka nang magbabalik
Pagkat itong puso ko ay sa ‘yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin nang nababatid
Sa ‘yo’y mahuhulog lang kaya’t huwag na huwag ka nang magbabalik

Roselle Nava – Huwag Ka Nang Magbabalik Lyrics

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)