Richard Reynoso – Parang Hindi Pasko Lyrics

Mula nang ika’y magtampo
Ang isip ko’y laging litung-lito
Hinahanap pag-ibig mo
Ng puso kong iyong-iyo

Sayang Pasko pa naman
Diwa nito’y wala sa’king kahulugan
Luha at kalungkutan
Ang natatangi kong kayamanan

At sana’y malaman mo ang aking nadarama
Ngayong pag-ibig natin ay natapos na
At araw-araw ang mundo ko’y ibang-iba
Parang hindi Pasko pagka’t wala ka

At sa tuwing nakikita
Mga nagdaraan tuwang-tuwa sila
Habang ako’y nag-iisa
Nagtatanong Pasko na nga bang talaga

Bakit nagkaganito
Kay hirap pag wala sa piling mo
Kay lungkot ng Pasko
Mula nang ako’y iwan mo

At sana’y malaman mo ang aking nadarama
Ngayong pag-ibig natin ay natapos na
At araw-araw ang mundo ko’y ibang-iba
Parang hindi Pasko pagka’t wala ka

At sana’y malaman mo ang aking nadarama
Ngayong pag-ibig natin ay natapos na
At araw-araw ang mundo ko’y ibang-iba
Parang hindi Pasko pagka’t wala ka

At sana’y malaman mo ang aking nadarama
Ngayong pag-ibig natin ay natapos na
At araw-araw ang mundo ko’y ibang-iba
Parang hindi Pasko pagka’t wala ka

Richard Reynoso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *