Richard Reynoso – Hindi Ko Kaya Lyrics

Magmula nang magkalayo
Araw gabi nalulungkot
Di matanggap ng damdamin
Na ikaw ay di na akin

Pa’no ang gagawin ko?
Nasanay na sa piling mo
Sana’y hindi tayo nagkalayo
Sana’y naririnig mo

Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan
Ang katotohanan, ay mahal pa rin kita

Nasa’n ka man sana’y dinggin
Puso ko ay muling mahalin
Ang nagdaan muling balikan
Muling buhayin ang pagmamahalan

Pa’no ang gagawin ko?
Nasanay na sa piling mo
Sana’y hindi tayo nagkalayo
Sana’y naririnig mo

Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan
Ang katotohanan ay mahal pa rin kita

(Hindi ko kaya ang limutin kita)
Masdan mo lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man ako’y nasasaktan
Ang katotohanan ay mahal pa rin kita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *