Rachel Alejandro – May Minamahal Lyrics

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig
At ngayo’y nagmamahalan ng tapat

Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka’y anong bilis
Bawat oras ay mayro’ng
Kasaysayang anong sarap
Anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya’t ako’y napaligaya
Ng tunay mong pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay nasa ‘yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog katawang tunay

Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina
Nakayapak sa ulap
Buong mundo’y nagagalak na mayroong
Nagtatalik na dal’wang pusong nagmamahal

Kaya’t tayo’y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo’y hindi magbabago hangga’t may buhay

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig
Kaya’t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro’n nang tunay na minamahal

May minamahal
Bawat taong may damdamin
Ay may minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig
Kaya’t habang may pag-asa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayro’n nang tunay na minamahal
May minamahal

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *