Myrus – Pusong Lito Lyrics

Bakit kaya mapagbiro ang tadhana?
Bakit kaya pagdating niyo ay sabay pa?
Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso
Di ko naman kayang pagsabayin kayo

Bakit kaya sa twing nag-iisa
Pareho ni’yong mukhang ang nakikita?
Tinamaan nga kaya sa inyong dalawa?
Kaya ang puso ko ngayo’y sasabog na (sasabog na)

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa sana ang puso nang di na malito

Bakit kaya mahal ko kayong dalawa?
Kaya ang puso ko’y nahihirapan na
Ano ang aking gagawin, sino ang pipiliin?
Puso ko’y hatiin ni’yo nang wala ng iisipin

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa sana ang puso nang di na malito

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa sana ang puso nang di na malito

Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo

Myrus - Pusong Lito Lyrics

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)