Myrus – Ba’T Di ko Ba Nasabi Lyrics

Heto na naman ako’t nag-iisa
Nakalutang lang sa hangin at lagi nang tulala
Sobra ang pagsisisi at parang hindi na tatagal
Di ko nasabi na ika’y minamahal

Pag bumabalik sa isip ko ang nangyari
Kung papano’ng ang damdamin ko’y di nasabi
May pag-asa ba ang tulad kong hangal
Hindi ko nasabi na ika’y minamahal

Ba’t di ko ba nasabi tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang
Ba’t di ko ba nasabi ang puso ko’y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana

Sa tuwing nasasalubong kang kasama siya
Masaya kayo sa piling ng isa’t isa
Para bang ang puso ko’y sinasakal
Hindi ko nasabi na ika’y minamahal

Ba’t di ko ba nasabi tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang
Ba’t di ko ba nasabi ang puso ko’y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana

Araw-araw sa isip ko’y ikaw
Sa paghimbing maging sa panaginip
Nangangarap baguhin ang ikot ng mundo
Babalik sa mga sandaling ako pa ang mahal mo

Ba’t di ko ba nasabi tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang
Ba’t di ko ba nasabi ang puso ko’y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana
Sana’y nasabi

Myrus - Ba'T Di ko Ba Nasabi Lyrics

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)