Moira Dela Torre – Saglit Lyrics

Malayo man ang distansya
Di man marinig ang boses mong aking nakasanayan
Pipikit nalang muna
At papagalingin ang mga mata sa kaluluha

At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako’y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa’y sandali kang naging akin

Sa paghulma ng paalam
Di na madama ang pagbitaw ng ‘yong mga kamay
At pipikit nalang muna
Iiwas ng tingin at aatras bago it bawiin

At hihinga ng malalim
At papakalmahin ang patalim
Tapos na ang laban

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako’y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
At kung bukas ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa’y sandali kang naging akin

At sa pagbawi ng tadhana
Masakit man magpalaya
Doon ako kung sa’n ka sasaya
Kung sa’n ka malaya

Salamat sa saglit
Salamat sa sakit
Ako’y di magsisisi
Kahit di ka na sa akin
Kung bukas man ako ay lilingon
Makikita sa tabi na minsa’y sandali kang naging akin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *