Minsan Isang Araw – The Company

The Company – Minsan Isang Araw Lyrics

Di ka ba nangingiti pag naalala
Na minsan isang araw nung tayo’y magkita
Di ko noon akalain ikaw na pala, ikaw pala’t ako
At minsan isang araw sasabihin ko sa ‘yo

Hinintay-hintay ka ng puso ko
Minahal-mahal ka sa isip ko
Dumating na pag-ibig ay ikaw
Nangyaring bigla nung minsan isang araw

Di ka ba natatawa pag naalala
Na minsan isang araw bigla mong nakita
Ang mga mata ko’y di na kumurap, parang nangangarap
Na minsan isang araw puso mo’y makausap

Hinintay-hintay ka ng puso ko
Minahal-mahal ka sa isip ko
Dumating na pag-ibig ay ikaw
Nangyaring bigla nung minsan isang araw

Kay sarap balikan, isang araw minsan
Kay sarap balikan, nung minsan tayo’y nagmahalan

Hinintay-hintay pa ng puso ko
Minahal-mahal pa sa isip ko
Ang mahal mo ngayon ay hindi na ako
Ang nakakatawa’y iba na rin ang mahal ko

Hinintay-hintay pa ng puso ko
Minahal-mahal pa sa isip ko
Ang pag-ibig pala ay nagbabago
May mahal kang iba, iba na rin ang mahal ko

Nung minsan isang araw
Nagbago isang araw

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *