Marion Aunor – Maling Pag-Ibig Lyrics

Kapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim
Usapang pang-magdamag
‘Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

Halos araw-araw magkasama
Pero ‘di naman nagkikita
Ang bawat galaw ay kinukuwento
Nagmumukhang tanga sa kahit sino

Ngunit walang pakialam
Dahil ‘di nila naiintindihan
Ang ating mundo kahit gaano kalabo

Tayo ay kumakapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim
Usapang pang-magdamag
‘Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

‘Di naman malaman sa’n patungo
Bulag na pagsunod sa mga puso
Pag-ibig ay pilit na binibiro
Sabi ng iba’y baka mapaso

Ngunit wala pa ring pakialam
Dahil ‘di nila naiintindihan
Ang ating mundo na kahit gaano kalabo

Tayo ay kumakapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim
Usapang pang-magdamag
‘Di umamin ang pusong duwag
Nalulong sa maling pag-ibig

Maling pag-ibig, oh wohh
Hay yay yay…ohh woh ohh
Ohh hoh

At sa huli sino ba ang salarin
Ang paasa na nag-iwan
O ang pusong umaasa pa rin
Sige lang at

Kumapit sa patalim
Pag-ibig na palihim
Na natagpuan sa dilim
Usapang pang-magdamag
‘Di matuto ang pusong bulag
Nalulong sa maling, maling pag-ibig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *