Mahal Pa Rin Kita – Rockstar

Rockstar – Mahal Pa Rin Kita Lyrics

Di maamin ng damdamin
Na ngayo’y wala ka na sa aking piling
Araw-araw ang dalangin
Ay mayakap kang muli at maangkin

Ngunit pa’no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa o na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo hinahanap kita

Chorus:
Ikaw pa rin ang nais ko
Damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa’t damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli’t muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh, giliw ko

Alaala ang kasama
Mga sandaling dati ano’ng saya
Pinipilit na limutin
Bakit di maamin na wala ka na

Ngunit pa’no nga ba ang pag-ibig mo magbabalik
Batid ko na nasaktan kita ng labis
At sinabi ko sa o na kaya kong limutin ka
Bakit ngayo hinahanap kita

(Repeat Chorus 2x)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *