Lilet – Kaibigan Lang Pala Lyrics

Noong ako ay nilapitan mo
Tinanong kung ano ang pangalan ko
Nabighani agad itong puso
Na-love at first sight sa iyo

Nguni’t sa iyo’y may nalaman ako
Mayroon na raw ibang mahal ang puso mo
Sino ba siya ang tanong ko sa iyo
Sinabi mong siya ay kaibigan lang

Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala
Napawi ang aking pangangamba
Aking nadarama ngayo’y pag-asa na
‘Pagka’t siya ay kaibigan lang pala

Akala ko siya ang iyong sinta
Nguni’t siya ay kaibigan lang pala

Sabik ang puso ko na malaman
Ang pag-ibig mong labis kong inaasam
Baka sa puso mo ako’y kaibigan lang
Sana’y hindi ‘pagka’t magdaramdam

Kaibigan lang pala, kaibigan lang pala
Napawi ang aking pangangamba
Aking nadarama ngayo’y pag-asa na
‘Pagka’t siya ay kaibigan lang pala

Siya ay kaibigan lang pala

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *