Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habangbuhay
Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na magdaan
Sana’y di magmaliw ang pagtingin
Kay daling sabihin, kay hirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay natin gawing kahapon ang bukas
Ikaw at ako, pinag-isa
Tayong dal’wa may kanya-kanya
Sa isa’t-isa tayo ay sumasandal
Bawat hangad kayang abutin
Sa pangamba’y di paaalipin
Basta’t ikaw, ako, tayo magpakailanman
Kung minsan ay di ko nababanggit
Pag-ibig ko’y di masukat ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika’y saktan
Puso mo ba’y handang magpatawad
Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko’y may kahulugan
Tuwing ako’y iyong hagkan
Umabot man sa ating huling hantungan
Kapit-puso kitang hahayaan
Ngayon at kailanman
Ikaw at ako