Jerome Abalos – Larawang Kupas Lyrics

Sa isang larawang kupas
Ay aking nasilayang muli ang ating lumipas
Kung maibabalik ko lamang panahon at ang oras
Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa’ting lumang litrato
Ngunit sa’yo, ewan ko
Ikaw ba’y iba na buhat nang tayo’y magkalayo

Kapit kamay tayong dalawa, nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sating lumang litrato
Ngunit sa’yo, ewan ko
Ikaw ba’y iba na buhat nang tayo’y magkalayo

Kapit kamay tayong dalawa, nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal, nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Ooohhh, salamat sa’yo
Ooohhh, salamat sa’yo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)