JBK – Para Kang Lyrics

Para kang bombilya sa buhay ko
Saboy ng liwanag sa magulo
Halo-halo special sa tag-araw
Hot salabat laban sa ginaw

At di ba? Para kang paro-paro na mailap
Na dumapo nang di hinahanap
Jackpot sa lotto kapag singko
Ang tanging laman ng wallet ko

At di ba? Para kang panaginip na natupad
Eroplanong papel na lumilipad
Magic wand at kissing spell
Falling star sa wishing well

At di ba? Para kang regalo tuwing Pasko
Swimming sa may beach tuwing Mayo
Lahat nagkatotoo pagdating mo
At para kang, oh oh…
At para kang…

Para kang milagro na kay ganda
Buhos ng ulan sa Sahara
Simoy ng hangin o kay bango
Lakad sa ulap ulit ako

At di ba, para kang angel na kumakanta
Boses mo sa aki’y biyaya
Silip ng buwan at mga bituin
Ang dating mo para sa akin

At di ba? Para kang panaginip na natupad
Eroplanong papel na lumilipad
Magic wand at kissing spell
Falling star sa wishing well

At di ba? Para kang regalo tuwing Pasko
Swimming sa may beach tuwing Mayo
Lahat nagkatotoo pagdating mo
At para kang, oh oh…
At para kang… oh, oh…

Di na kailangan ng kung ano-ano
At di na ako umaasa
Sa iba… sa iba…
Ikaw na… ikaw na…

At di ba? Para kang panaginip na natupad
Eroplanong papel na lumilipad
Magic wand at kissing spell
Falling star sa wishing well

At di ba? Para kang regalo tuwing Pasko
Swimming sa may beach tuwing Mayo
Lahat nagkatotoo pagdating mo
At para kang… oh, oh…
At para kang… oh, oh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *