Iniibig Kita – Roel Cortez

Roel Cortez – Iniibig Kita Lyrics

Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa, bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sayo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko

Kaya ngayo’y laging gulong gulo, ang puso ko’t isipan
Araw gabi ay pangarap ka, at sa tuwina’y nababalisa
Dahil ang puso ko’y labis na umibig sa’yo
Hanggang kailan matitiis ilihim ang pag-ibig ko

Ano ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sanay unawain ang pusong sa iyo’y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Hindi ko na sana pinagmasdan ang iyong ganda
At hindi na rin pinansin pa, bawat ngiti mong may gayuma
Dahil sa akala ko hindi ako iibig sa’yo
Ikaw pala ang aakit sa puso ko

Ano ang gagawin sa utos ng damdamin
Para bang hangin na kay hirap pigilin
Sana’y unawain ang pusong sa iyo’y baliw
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Nais kong malaman mo na iniibig kita
Nais kong malaman mo na iniibig kita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *