Nung una kang makita ay tila balewala
Hindi man lang pinapansin ng aking damdamin
Ngunit nang makilala at ika’y makausap
Biglang nagbago ang takbo ng aking isipan
Para bang may nabubuong kakaibang damdamin
Sa puso ko para lamang sa’yo
Ikaw lamang ang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo’y lubos ang kaligayahan ko
Paano na kaya ako kung ika’y wala sa aking piling
Ang nais ko sa twina’y makita’t matanaw ka
O kaya’y magkausap man lang kahit isang saglit
Ngunit pag nariyan ka na ay wala nang masabi
Ngumingiti na lamang habang ika’y tinitignan
Bakit di ko maintindihan ang nadarama sa’yo
Basta’t ang alam ko ay umiibig ako sa’yo
Ikaw lamang ang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo’y lubos ang kaligayahan ko
Paano na kaya ako kung ika’y wala sa aking piling
Ikaw lamang…
Sa piling mo’y lubos ang kaligayahan ko
Paano na kaya ako kung ika’y wala sa akin
Ikaw lamang ang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo’y lubos ang kaligayahan ko
Paano na kaya ako kung ika’y wala sa aking piling