Eraserheads – Ligaya Lyrics

Ilang awit pa ba ang aawitin o giliw ko
Ilang ulit pa ba ang uulitin o giliw ko
Tatlong oras na akong nagpapacute sa’yo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakainin
Ilang tansan pa ba ang iipunin
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Sagutin mo lang ako aking sinta’y walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali sa gabi at umaga
Wag na sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Na tayo’y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya

Ilang ahit pa ba ang aahitin
Ilang hirit pa ba ang hihiritin
Di naman ako manyakis tulad ng iba
Pinapangako ko sa’yo na igagalang ka

Sagutin mo lang ako aking sinta’y walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali sa gabi at umaga
Wag na sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Na tayo’y mabubuhay ng tahimik at buong ligaya

Aasahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Na tayo’y mabubuhay na tahimik at buong ligaya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)