Bakit ba ganyan, ang ibig ko’y lagi kang pagmasdan
Umula’t umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko’y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta
Ewan ko
Bakit ba ganyan
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala
Bakit ba ganyan, kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika’y kausap na
Ngunit lumalakas ang loob
Kung ikaw ay nakatawa
Ewan ko
Bakit ba ganyan
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala
Oh, ewan ko
Bakit ba ganyan
Damdamin ay di maintindihan
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala