Daryl Ong – Can’t Help Falling In Love Lyrics

Di malimutan unang pagkikita
Pagtatagpo ng mga mata
Araw-araw naiisip ka
At lagi kang naaalala

Nang aking mahawakan ang iyong kamay
Tila ang puso’y naglalakbay
Sa ‘yong bawat ngiti ako’y nananamlay
Di hahayaan ang ika’y malumbay

Ngunit natatakot mahulog sa ‘yo
Parang naduduwag ang puso ko
Di kayang ibigay sa ‘yo ang mundo
Sana’y sapat na ang pagmamahal ko
Natatakot akong mahulog sa ‘yo
Ngunit di mapigil ang damdamin ko
Di ko kayang mapunta ka sa iba
Di rin kayang hindi ibigin ka

Laging inaantay ang makita ka
At pagsulyap sa iyong mata
Gabi-gabi ay nasa panaginip ka
At lagi kang naaalala

Pag hawak hawak mo ang aking kamay
Parang sa ulap nakasakay
Sa ‘king mga ngiti di mo pa ba halata
Kailangan bang sa iyo’y aminin ko pa

Ngunit natatakot mahulog sa ‘yo
Parang naduduwag ang puso ko
Di kayang ibigay sa ‘yo ang mundo
Sana’y sapat na ang pagmamahal ko
Natatakot akong mahulog sa ‘yo
Ngunit di mapigil ang damdamin ko
Di ko kayang mapunta ka sa iba
Di rin kayang hindi ibigin ka

Di maintindihan
Kung puso ba’y pakikinggan
Takot na mang umasa
Dahil baka masaktan lang

Ngunit natatakot mahulog sa ‘yo
Parang naduduwag ang puso ko
Di kayang ibigay sa ‘yo ang mundo
Sana’y sapat na ang pagmamahal ko
Natatakot akong mahulog sa ‘yo
Ngunit di mapigil ang damdamin ko
Di ko kayang mapunta ka sa iba
Di rin kayang hindi ibigin ka

Di ko kayang hindi ibigin ka

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *