Biyahe – Josh Santana

Josh Santana –  Biyahe Lyrics

Alam mo ang ganda mo pala
Pag tumawa ang yong mata
Hinahabol ko ang bawat mong tingin
Pero ito’y di’ mo napapansin

Wala akong maipagmamayabang
Porma ko’y pasimple-simple lang
Sino ba ako walang dating sayo
Di tayo bagay sobra mong ganda talaga

Chorus:
Di ko alam hanggang kailan tayo
Di ko mabago ang ikot ng mundo
Pero sama ka sa aking biyahe
Atin lamang ang araw na ito
Ang buhay ay sinasakyan lang yan
Di ko alam ang tungo kung saan
Pag sumama ka sa aking biyahe
Iaalay ko ang puso ko ohhhh

Oh kay sarap mong kasama
Napapawi mga problema
Magaan dalhin kay sarap lambingin
Yun nga lang ay kaibigan kita

Akala ko mapipigil ko
Pero laging nahuhulog sa’yo
Nang yong mabuking tinanong sa’kin
Dapat bang pagbigyan pag-ibig natin mahalin

(Repeat Chorus)

Sa iba’y ito laro lamang
Away away puro selos lang
Ang iba’y nagsisisi
Ang sabi wag na wag ko raw pasukan
Wag naman

(Repeat Chorus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *