Basil Valdez – Kung Ako’y Iiwan Mo Lyrics

Kung ako’y iiwan mo
Kung ako’y iiwan mo
Sana’y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa ‘yo
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo

Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko, sinta
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit saan ako tutungo pa
Na di kita makikita

Kung ako’y iiwan mo
Kung ako’y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na aking sinta

Pa’no ang gabi kung di ka mamasdan
At sa pagtulog ko’y pa’no kung di ka mahagkan
At may umaga ba sa ki’y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan
Pa’no ang gabi kung di ka mamasdan
At sa pagtulog ko’y pa’no kung di ka mahagkan
At may umaga ba sa ki’y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan

Kung ako’y iiwan mo
Kung ako’y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na aking sinta

Pa’no ang gabi kung di ka mamasdan
At sa pagtulog ko’y pa’no kung di ka mahagkan
At may umaga ba sa ki’y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko’y iniwan mo at masawi
May buhay pa kaya kapag ika’y wala
Ang buhay ko kaya ay di madali
May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko’y iniwan mo at masawi
May buhay pa kaya kapag ika’y wala
Ang buhay ko kaya ay di madali

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *