Antoinette Taus – Lihim Na Pagtingin Lyrics

Mayroon akong tinatagong lihim
Ang puso ko ay may nadarama
Bakit nangangamba t’wing malapit ka
Ito’y pag-ibig ba?

Lihim na pagtingin, lihim na damdamin
Hanggang sa pagtulog pangarap ka
Pag-ibig nga kaya o pag-ibig na kaya?
Ang lihim na nadarama

Sana’y huwag mong mapansin mga nakaw kong tingin
Nag-iingat baka mahuli lihim kong iniingatan
Naghihintay sana manggaling sa iyo
Na ika’y may lihim sa ‘kin na pagtingin

Pano kaya? Sana nga? Sana ay mangyari nga
May lihim kang pagtingin
Ngunit kung pag-ibig mo’y ‘di ukol sa ‘kin
Papatak luha ng lihim

May magbanggit lamang ng pangalan mo
Hinahanap-hanap ka na
Kapag nandyan naman ayaw ipaalam
Ang lihim na damdamin ko

Sana’y huwag mong mapansin mga nakaw kong tingin
Nag-iingat baka mahuli lihim kong iniingatan
Naghihintay sana manggaling sa iyo
Na ika’y may lihim sa ‘kin na pagtingin

Pano kaya? Sana nga? Sana ay mangyari nga
May lihim kang pagtingin
Ngunit kung pag-ibig mo’y ‘di ukol sa ‘kin
Papatak luha ng lihim

Pano kaya? Sana nga? Sana ay mangyari nga
May lihim kang pagtingin
Ngunit kung pag-ibig mo’y ‘di ukol sa ‘kin
Papatak luha ng lihim

Damdaming lihim
Pag-ibig sa ‘yo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)