Aimee Torres – Sana Sa Pasko Lyrics

Bakit kaya sa tuwing Pasko
Ay naalala ka’t laman ng isip ko
Lalo na’t sa’king pag-iisa hanap pa rin kita
Lagi nang sa iyo’y umaasa

Sana naman ngayong Pasko
Sumaya naman ang puso kong sabik sa’yo
Sana maulit muli tamis ng ating pagsuyo
Siya’ng tanging pangarap sa Pasko

Tuwing Pasko’y wala ka, tuwing Pasko’y nag-iisa
Kailan mangyayaring mundo ko’y kay saya
Sa aking awitin tangi kong kasama
Sana sa Pasko’y kapiling ka

Tuwing Pasko’y wala ka, tuwing Pasko’y nag-iisa
Kailan mangyayaring mundo ko’y kay saya
Sa aking awitin tangi kong kasama
Sana sa Pasko’y kapiling ka

Aimee Torres - The Original Pusong Bato

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)