1:43 – Sa Puso Ko’y Ikaw Lyrics

Alam mo bang mahal na mahal kita
O giliw ko, ikaw lang talaga
Ikaw ang tinitibok nitong aking puso
Mahirap mabuhay kung wala ka

Sa bawat araw ay naiisip ka
Ang iyong ngiti pumapawi sa problema
Ako’y natutuwa na sa buhay ko’y dumating ka
Salamat at ngayo’y narito ka

Sa puso ko’y ikaw, ikaw lang talaga
Nagbibigay saya sa buhay kong walang sigla
Sa puso ko’y ikaw, mamahalin kita
Yan ang pangako ko aking sinta
Sa puso ko’y ikaw, huwag kang mag-alala
Pagkat ikaw, pagkat ikaw lang wala nang iba

Buong buhay aking ibibigay
Sinusumpa ko magpakailanpaman
Ikaw lang at ako sa habang panahon
O aking sinta, lingapin mo sana

Ikaw ang pangarap na ngayon ay natupad
Ako’y wala nang hahanapin pa
Salamat sa iyo, o mahal ko
Umasa kang hindi kita iiwan

Sa puso ko’y ikaw, ikaw lang talaga
Nagbibigay saya sa buhay kong walang sigla
Sa puso ko’y ikaw, mamahalin kita
Yan ang pangako ko aking sinta
Sa puso ko’y ikaw, huwag kang mag-alala
Pagkat ikaw, pagkat ikaw lang wala nang iba

Di magbabago ang pag-ibig ko sa iyo
Giliw, tandaan mo ikaw lang ang mahal ko, oh

Sa puso ko’y ikaw, ikaw lang talaga
Nagbibigay saya sa buhay kong walang sigla
Sa puso ko’y ikaw, mamahalin kita
Yan ang pangako ko aking sinta
Sa puso ko’y ikaw, huwag kang mag-alala
Pagkat ikaw, pagkat ikaw lang wala nang iba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error

Enjoying the music? Please spread the word :)