1:43 – Sa Isang Sulyap Mo Lyrics

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sa’yo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko’y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko’y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko’y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *